-- Advertisements --

Nagsama na ang Department of Justice at Department of Environment and Natural Resources na palakasin ang implementasyon sa pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan sa bansa.

Sa isinagawang pagpupulong ng dalawang kagawaran, nilagdaan nila ang isang Memorandum of Agreement upang magkaroon ng mas malinaw, strategic at konkretong hakbang laban mga paglabag sa kalikasan.

Kung saan pinangunahan mismo ito ni Department of Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres kasama si Deputy State Prosecutor Margaret Castillo-Padilla, Head of the Task Force on Environmental Cases of the National Prosecution Service.

Sa pamamagitan nito, binibigyang halaga at pokus ang kanilang plano lalo na sa mga high-risk areas na nangangailangan ng matindig pagbabantay at pagpapatupad ng batas pangkalikasan.

Dagdag pa rito, inatasan din ang mga Department of Environment and Natural Resources Regional Executive Directors na makipagtulungan at koordinasyon sa mga Department of Justice Regional Directors sa mga environment related cases.

Dahil dito, tiniyak ng mga kagawarang lumagda sa kasunduan na sila’y magtutulungan upang labanan ang mga environmental criminals kasabay ng mas pinalakas na koordinasyon sa pagpapatupad at pagkamit ng katarungang pangkalikasan.