-- Advertisements --

Mistulang nagsasalungatan ang pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DoJ) hinggil sa isyu ng mga convicts na nakalabas na ng bansa, matapos mabigyan ng good conduct time allowance (GCTA).

Ayon kay Interior Sec. Eduardo Ano, may mga report silang natatanggap na may ilan nang nakalabas ng bansa.

Tiniyak naman nitong makikipag-ugnayan sila sa interpol para mapabalik ang naturang mga convicts.

Pero sa hiwalay na pahayag ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sinabi nitong wala pa namang nakakalabas sa halos 2,000 dating bilanggo.

Nagpakalat na rin daw sila ng mga pangalan ng mga ito sa mga paliparan at port area para ma-monitor kung may magtatangkang makalabas ng Pilipinas.