-- Advertisements --

Nagpahayag ng buong suporta at pagpayag ang Department of Justice na makipag-alyansa sa Philippine National Police .

Layon ng sanib pwersang ito na matiyak na makabubuo ng kalidad na mga kasong maisasampa.

Ilan kasi sa mga kasong isinampa ng mga tauhan ng PNP sa mga korte sa bansa ay kalimitang na-didismiss kahit pa dumaan ito sa masusing imbestigasyon.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla , malugod nitong tinatanggap ang hakbang na ito ng PNP ng paglikha ng mga komite upang muling bisitahin ang mga kaso na dati nilang isinampa ngunit na-dismiss.

Makikipag collaborate aniya ang DOJ upang maresolba ang kakulangang ito.

Dagdag pa ng kalihim , ang kanilang mga prosecutor ay magkakaroon ng proactive na paglahok sa case build-up .

Sa bisa ng Department Circular No. 20 series of 2023, ang mga prosecutor ay inaatasan na maging proactive kung sakaling madagdagan ang kaso, ganap na nilalagyan sila ng ‘kaalaman’ sa pagtatatag ng isang malakas na prima facie na kaso na sinusuportahan ng aktwal na ebidensya, mga saksi, mga dokumento , at mga katulad nito.

Dagdag pa, sinabi ng PNP na ang mga opisyal na humawak sa mga kasong na-dismiss ay sasailalim sa mga refresher courses upang palakasin ang kanilang kakayahan, habang ang mga itatalaga bilang mga imbestigador ay dapat na nagtapos sa isang kaukulang kurso at humawak ng mga kaso na humantong sa matagumpay na paghatol.