-- Advertisements --

Nagsanib pwersa ngayon ang Department of Justice at Technical Education and Skills Development Authority para magbigay ng skills training sa mga probationers, parolees, at mga bilanggo na nabigyan ng pardon.

Personal na dumalo si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at TESDA Director General Jose Francisco “Kiko” Benitez para pirmahan ang naturang MOA.

Ayon sa dalawang ahensya , makatutulong ito sa mga benepisyaryo na mabigyan sila ng pagkakataong makapag trabaho sa oras na makalabas na sila sa kulungan.

Nilinaw rin ng dalawang ahensya na hindi lang dito natatapos ang pagbibigay nila ng tulong.

Makikipag-ugnayan rin sila sa mga lokal na pamahalaan para makapaghatid sila ng tulong o venue para sa pagsasagawa pa ng mga regional at field offices na pagsasanay.

Pangungunahan naman ng TESDA ang pagsasagawa ng mga trainings sa pamamagitan ng kanilang mas pinalawak na Technical and Vocational Education and Training providers.

Magsasagawa rin ito ng kaukulang assesment upang matukoy kung ano ang angkop na training program sa isang benepisyaryo.