-- Advertisements --
Binalaan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang publiko na nagpapakalat ng maling impormasyon sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR).
Sinabi nito na mayroong mahigpit na utos ito sa National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kaso ang mga nagpapakalat ng mga pekeng balita.
Si Guevarra bilang miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay regular na nakikibahagi.
Magugunitang maraming mga pekeng impormasyon at balita ang kumalat mula ng isailalim sa enhance community quarantine ang National Capital Region (NCR) mula Agosto 6-20.