Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes na ang pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020 at amnesty para sa mga dating rebelde ay maaaring ipatupad nang sabay.
Ayon kay DOJ Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, ng pagbibigay ng amnestiya sa ilang mga rebeldeng grupo ang ang buong implementasyon ng anti-terrorism law ay maaaring parehong ipatupad na walang legal na hadlang.
Ginawa ni Clavano ang paglilinaw na ito sa isinagawang press briefing ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Kung maaalala, nakatakdang ipatupad ang Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020 sa Enero 15 matapos aprubahan ng Supreme Court ang ang procedural rules sa lahat ng petisyon at aplikasyon hinggil sa naturang batas.
Gayunpaman, binanggit ni Clavano na ang buong epekto ng Anti-Terrorism Act ay maaaring makaapekto sa “katayuan” ng ilang grupo na nakakakuha ng amnestiya.
Sinang ayunan naman ni James Clifford Santos associate solicitor of the Office of the Solicitor General and spokesperson for the NTF-Elcac’s legal cooperation cluster ang naging pahayag ni Clavano.
Binigyang diin naman ni Santos na ang amnestiya na ipinagkakaloob ni PBBM ay tumatalakay lamang sa mga “political crimes” at hindi “heinous crimes” tulad ng terorismo.