-- Advertisements --
Iginiit ng Department of Justice na hindi tama ang pagpapakalat ng fake news o maling impormasyon online.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla , mayroong mga indibidwal o grupo ang nasa likod ng pagpapakalat nito sa social media.
Aniya, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa 20 indibidwal na nagpapakalat ng maling impormasyon.
Punto ng kalihim na mas priority nila ang nakararami sa halip na freedom of speech at freedom of expression ng iilan na walang mga batayan.
Maaari kasing magdulot ng panic sa publiko ang mga impormasyon na pawang mga kasinungalingan at pagkakaroon ng kaguluhan kalaunan.
Paliwanag naman ni Remulla na walang mali ang pagpapahayag online bastat ito ay pawang katotohanan lamang.