Inihayag ng Department of Justice ang plano nitong pagtatatag ng isang grupo ng Anti-Agricultural Task Force upang labanan ang mga agricultural smuggling sa bansa.
Ang naturang grupo ay aatasang imbestigahan ang umano’y onion smuggling sa bansa na naging dahilan kung bakit sumirit ang presyo nito noong 2022.
Kung maaalala, umabot sa 600 ang presyo ng sibuyas kada kilo noong 2022 dahilan upang maalarma ang opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Justice, upang matugunan ang naturang isyu, sila ay makikipag coordinate sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan partikular na sa Bureau of Customs at Department of Agriculture.
Sinabi rin ng ahensya na ang kanilang mga imbestigador at tututok sa pagkolekta ng sapat na data at ebidensya upang matukoy ang pinagmulan ng malawakang Onion smuggling sa bansa.