-- Advertisements --
IMG 20230517 183454 1

Buo ang tiwala ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation kaugnay ng inihaing patong patong na reklamong murder, frustrated murder at attempted murder kay suspended Negros Oriental 3rd District representative Arnolfo Teves Jr.

Ayon Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dalawang buwan itong pinag aralan ng National Bureau of Investigation kaya naman raw masisiguro niyang alam ng kawanihan ang kanilang ginagawang proseso.

Matapos ang paghain ng reklamo kahapon, dagdag pa ni Remulla na susunod na ang subpoena, at sa pag hain raw ng counter affidavit ng kampo ni Teves ay kinakailangan itong personal na magpakita upang manumpa kaugnay ng laman ng kanyang affidavit.

Hindi umano papayagan ang online na paghain nito kaya naman nakikita ni Remulla na uuwi si Teves sa bansa sakaling umabot na sa punong ito.

Samantala, ang ilang pang sangkot sa pagpatay kay dating Governor Roel Degamo at siyam na iba, ay wala pang inihaing reklamo dahil sa ngayon ay on-going parin ang imbestigasyon.

Sakali umanong hindi umuwi si Teves, ay ihahain ang kaso sa korte at ang kasunod nito ay ang warrant of arrest.

Sinabi pa ni Remulla na kailangan lamang umanong sagotin ni Teves ang reklamo laban sa kanya upang malinis ang pangalan nito, hindi raw dapat sa pamamagitan ng media kundi sa harap ng korte.

Huling nagkaroon ng update kay Teves sa Timor-Leste kung saan ito humingi ng asylum ngunit ito ay tinanggihan.

Ang posibilidad lamang raw nito ayon kay Remulla ay dumaan si Teves sa isa sa asian countries.