Nagbabala si Justice Secretaru Jesus Crispin Remulla na kakasuhan ang mga telecommunication firms at internet service providers na hindi makikipag-tulungan sa pagtugon sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).
Bibigyan aniya sila ng ultimatum kapag hindi nakipag-cooperate ang mga ito at kapag mayroon pa ring mga iligal na aktibidad na nakakalusot.
Ayon sa DOJ chief, noong taong 2021, nag-isyu ang National Telecommunications Commission (NTC) ng isang show cause order laba sa 47 internet service providers dahil sa kabiguang mag-comply sa republic Act no. 9775 o ang Anti-Child Pronography Act of 2009.
Iginiit ni Remulla na maaaring mag-isyu ang NTC ng multa para sa non-compliance ng ISPs na nagawa narin dati at maaaring maipasara kung tumanggo ang mga itong makipagtulungan.
Una ng umapela si Remulla na tumatayo ding chairperson ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa pakikiisa ng mga telcos at publiko sa paglaban sa naturang iligal na gawain.
Ito ay sa gitna na rin ng concerns kung saan ang Pilipinas ang top source online sexual abuse and expolitation sa mga bata sa buong mundo.