-- Advertisements --

Nagkasundo ang Department of Justice, Office of the Ombudsman at Commission on Audit para sa pagpapakalat ng mga state prosecutors at auditors bilang resident ombudsmens sa mga ahensiya ng gobyerno.

Pinirmahan ang memorandum of agreement base na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na pangunahan ang inter-agency panelo na magsagawa ng corruption investigation sa buong gobyerno.

Ayon sa DOJ na ang pagtatalga nila ng mga resident ombudsmen ay posibleng simulan na ngayong buwan.

Magtatapos ang nasabing kasunduan hanggang Hunyo 30, 2022 kaparehas ng effectivity dat ng DOJ-led Task Force against Corruption base sa memorandum ng Pangulong Duterte noong Oktubre 2020.