-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Department of Justice (DOJ) Office of Cybercrime na kanilang tinutugunan ang lahat ng mga reklamong inilalapit sa kanilang opisina.

Sinabi ni DOJ cybercrime office OIC Charito Zamora na tinatrato nilang pantay ang mga inilalapit na reklamo sa kanilang opisina.

Hindi aniya sila tumitingin sa estado ng mga nagrereklamo kung ang mga ito ba ay opisyal ng gobyerno o ordinaryong tao lamang.

Inihalimbawa dito ang banta sa buhay ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na idinaan sa social media na TikTok na hindi rin nila ito binalewala.

Nakakuha na sila ng mga computer data na gagamitin laban sa mga suspek.