-- Advertisements --
Naungkat ngayon ang isyu ng pag-apply ng dating Negros Oriental congressman na si Arnie Teves sa Cambodia para sa kaniyang citizenship.
Kasunod ito ng namataang paglabas ng pamilya ni Teves sa Timor Leste at nagtungo sa Cambodia.
Dati na kasing lumitaw na mula sa Singapore ay sumakay noon si Teves sa pribadong eroplano papunta sa Timor-Leste kasama ang 13 katao.
Pero sa hawak na impormasyon ng kagawaran ngayon, nasa kostudiya pa rin ng Timor Leste authorities ang dating kongresista.
Una na itong naaresto habang naglalaro ng golf noong Marso 2024.
May kaugnayan ang kaso niya sa umano’y pagiging mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at pagkakadamay ng iba pa.