-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Justice na gagamitin nila ang lahat ng legal na paraan para maibalik sa Pilipinas si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.

Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng pagbasura ng Timor Leste Court of Appeals sa extradition request ng gobyerno ng Pilipinas laban sa dating mambabatas.

Kaugnay nito ay muling binigyang diin ng Justice Department ang pangangailan na mahikayat ang Timor Leste na makipag tulungan sa gobyerno ng Pilipinas.

Giit ng ahensya na seryoso ang mga kasong kinakaharap ni Teves kabilang na ang multiple counts ng kasong murder.

Ang pagbibigay ng pagkakataon aniya kay Teves na takasan ang kanyang kaso ay pagkakaroon ng kawalan ng hustisya.

Malaki rin ang epekto nito sa mga biktima, kanilang mga pamilya at integridad ng rule of law.