-- Advertisements --

Gagawin ng Department of Justice ang lahat ng kanilang makakaya sa pag-usig kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo at kaniyang kapwa akusado kaugnay sa kasong qualified human trafficking na walang kaukulang piyansa.

Ito ay kasunod na rin ng tuluyang pagkansela ng PH passport ni Guo.

Sa isang pahayag, pinuri din ni Justice Sec. Crispin Remulla ang pagkansela ng pasaporte ni Guo bilang napapanahong aksiyon ng Department of Foreign Affairs.

Tiniyak din ng kalihim na kanilng lilitisin ang naturang kaso hanggang sa tuluyan ng maisilbi ang hustisiya.

Una na ngang kinansela ng DFA ang PH passport ni Guo noong Setyembre 30 para sa paglabag ng Republic Act No. 11983 o ang New Philippine Passport Act.