Posibleng harangin ng Department of Justice ang plano ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice na maghain ng Certificate of Candidacy para sa muling pagtakbo nito sa kanyang bayan.
Sa isang panayam, kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang naturang plano para harangin na muling makatakbo ang dating opisyal sa pagka alkalde.
Una nang kinumpirma ng kampo ni Alice Guo sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Stephen David na maghahain ang kanyang kliyente ng COC sa susunod na linggo.
Giit ng kampo ni Guo, wala pang pinal na desisyon ang korte sa citizenship ng kanilang kliyente kaya’t pwede pa itong tumakbo.
Samantala, naniniwala si Remulla na wala nang karapatan si Alice Guo na humiling ng re-election.
Una nang nadawit ang pangalan ni Guo sa ilegal na operasyon ng POGO sa kanyang bayan at sinasabing siya ay ispiya ng China.
Patuloy namang itinatanggi ni Guo ang pagkakadawit nito sa ilegal na operasyon ng POGO at pagiging spy umano ng China.
Ayon naman sa Commission on Elections, wala silang kapangyarihan para kanselahin ang COC ni Guo lalo pat hindi naman ito convicted sa kanyang mga kaso.