Tiniyak ng Department of Justice na hindi nila ititigil ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay may kaugnayan sa naging assassination remarks ng bise sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., FL Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez kamakailan.
Sa isang pahayag, kinumpirma ni Justice Undersecretary Jesse Andres na maaari nang itake-over ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon laban kay Duterte.
Aniya, maaari lamang mangyari ito kung may kinalaman sa kasong plunder, bribery, graft at iba pang kaso para sa mga opisyal ng gobyerno.
Si VP Sara Duterte ay kasalukuyang iniimbestigahan ng DOJ dahil sa mga naging banta nito laban sa mag-asawang Marcos at Speaker Romualdez na maaari aniyang pasok sa kasong sedition at antiterror law.
Giit ni Andres, hindi sila mananahimik at patuloy na ipaglalaban ang hustisya maging ang accountability at rule of law.