Nanindigan ang Department of Justice na hindi makukunsiderang pagsuko sa mga otoridad ang ginawang hakbang ni KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy at apat na iba pang akusado.
Sa ginanap na kapihan sa Department of Justice ngayong araw, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinahirapan ni Quiboloy ang pulisya sa paghahanap sa kanya.
Ayon kay Remulla, ang hakbang ni Quiboloy ay nangyari dahil sa tingin nito ay malapit na silang masukol ng mga otoridad.
Aniya , ito aniya ang nakikita nilang dahilan kaya napilitang lumabas sa lungga ang Pastor.
Si Quiboloy at apat na akusado ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa child and sexual abuse sa QC RTC at qualified human trafficking sa Pasig RTC.
Bukod dito ay nahaharap rin si Quiboloy sa patong- patong na kaso sa Estados Unidos.
Kaugnay nito ay sinabi ni Remulla, kailangan harapin muna ni Quiboloy ang kanyang mga kaso sa Pilipinas bago makapaghain ng Extradition Request ang ICC laban sa kanya.