Naniniwala si Justice Secretary Menardo I. Guevarra na alam ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng United States ang lokasyon ni Pastor Quiboloy.
Nakatitiyak rin siya na alam ng FBI ang tamang legal na pamamaraan para bigyang-daan ang sistema ng hustisya ng US na magkaroon ng hurisdiksyon sa katauhan ni Pastor Quiboloy.
Ito ang reaksyon ni Justice Guevarra sa pagpapalabas ng FBI ng mga “wanted” posters ni Quiboloy (Apollo C. Quiboloy) na siyang nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) religious group at dalawa pang miyembro ng simbahan.
Sa website nito, sinabi ng FBI na si Quiboloy ay pinaghahanap para sa kasong “Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Fraud and Coercion, and Sex Trafficking of Children; Sex Trafficking sa pamamagitan ng Puwersa, Panloloko, at Pagpipilit; pagsasabwatan; Bulk Cash Smuggling.”
Pinaghahanap din ng FBI sina Teresita Tolibas Dandan at Felina Salinas.
Nang tanungin kung nakipag-ugnayan na ang gobyerno ng US sa gobyerno ng Pilipinas o humiling ng extradition kay Quiboloy para mahaharap siya sa paglilitis sa mga korte ng US, sinabi ni Guevarra na hindi pa sila nakatanggap nang kahit anong official communication mula sa US government.
Aniya, ang proseso ay pinamamahalaan ng Phil-US extradition treaty.
Ang US State Department ay gumagawa ng kahilingan sa extradition.
Sinusuri ng DFA (Department of Foreign Affairs) ang kasapatan ng kahilingan; kung sapat, ineendorso ito ng DFA sa DOJ (Department of Justice).