-- Advertisements --

Hihilingin ng Department of Justice (DOJ) sa National Task Force Against COVID-19 na isama ang mga persons deprived of liberty (PDL) sa mga babakunahan laban sa COVID-19 sa tatlong araw na national vaccination drive.

Sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na kakausapin niya si vaccine czar Carlito Galvez na kung maari isama ang mga PDL sa bakunahan na magaganap mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Dahil aniya sa mga siksikan na ang mga kulungan sa bansa kaya hindi malayong magkakahawaan ang mga ito.

Naniniwala din ang kalihim na mayroong sapat na suplay na bakuna ang bansa.