-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Justice sa agarang pagpapalakas sa border security sa ating bansa.

Dahil dito, hinimok ng Justice Department ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan na pakasin ito upang hindi na makalabas ng bansa ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso o mga pinaghahanap ng batas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na nakakabahala ang naging insidente kung saan nakalabas ng bansa sina dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at Atty. Harry Roque na hindi nalalaman ng mga otoridad.

Kabilang sa tinutukoy ng opisyal ang mga backdoor exit ng bansa na kung saan hindi kagandahan ang mga pasilidad para mabantayan ito ng maiigi.

Hindi naman nagkomento si Ty sa usapin kung saan sinasabing nagkaroon ng kapabayaan ang Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi.

Hindi kasi naipaalam kaagad sa Pilipinas na nasa naturang bansa pala ang mag-asawang Roque.