Kinansela na ng Department of Foreign Affairs ang pasaporte ni dating Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr na hanggang sa ngayong ay nasa bansang Timor Leste.
Ito ay kaugnay pa rin sa utos ng korte na kanselahin ang kanyang pasaporte .
Kaugnay nito ay kinumpirma na ng Department of Justice na humiling na sila sa pamahalaang Timor Leste na ipadeport na ang dating mambabatas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Assistant Sec. Mico Clavano, nagpadala na sila ng request letter sa naturang bansa na layuning pabalikin ang dating opisyal sa Pilipinas.
Sakaling tanggapin ng Timor Leste ang request ng Pilipinas, umaasa ang DOJ na mahaharap na nito ang patung-patong na kaso na isinampa sa kanya kaugnay ng pagpatay kay dating Gov. Roel Degamo.
Tiniyak naman ng ahensya na nasa Timor Leste pa rin ang dating kongresista kung saan nga ito huling napaulat na humiling ng special political asylum.