Sinisi ng Department of Justice si Pastor Apollo Quiboloy kung maging naging marahas ang mga tauhan ng Philippine National Police sa paghahain ng arrest warrant laban sa pastor sa KOJC compound.
Kung maaalala, nagkaroon ng girian at tensyon matapos na pigilan ng mga miyembro ng KOJC ang mga Pulis na maghahain lang sana ng arrest warrant sa lungsod ng Davao.
Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez, ginawa lamang ng PNP ang kanilang trabaho na ipatupad ang batas at wala naman itong intention na magkaroon ng gulo.
Ayon sa ahensya, kung sumuko lamang si Quiboloy at hindi na sana ito mangyayari.
Una nang iginiit ng PNP na lehitimo ang kanilang operasyon o paghahain ng warrant laban sa Pastor.
Nanawagan naman ang DOJ kay pastor na sumuko na at harapin ang mga kaso nito sa korte at para maipaliwanag ang kanyang panig.