-- Advertisements --
Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang cyber libel na isinampa ng talent manager na si Annabelle Rama laban sa dating actor-producer na si Jayke Joson.
Sa anim na pahinang resolusyon na pirmado ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, na pinapaburan nila ang petition for review na inihain ni Joson.
Hiniling kasi ni Joson ang reversal ng findings ng Quezon City Prosecutors.
Magugunitang noong 2021 ng sampahan ni Rama si Joson dahil umano sa paglalabas nito ng mga malisyosong impormasyon sa social media.
Paliwanag ng DOJ na hindi nila nakita ang pagkakaroon ng malisyosong pahayag sa nasabing kaso.