Ibinasura ngayon ng Department of Justice (DoJ) ang reklamong illegal possession of firearms at unlawful possession of explosives na inihain ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Ayon kay DoJ Spokesperson Mico Clavano, ang naturang kaso ay nabasura dahil sa kakulangan ng ebidensiya laban kay Teves.
Maliban dito, hindi rin daw naaresto ang mambabatas nang magsagawa ng raid sa kanyang mga bahay.
Ang naturang mga armas ay nasa ilalim din ng kustodiya ng isang “Roland Aguinsanda Pablio.”
Sa kabila naman ng pagkakabasura sa isang reklamo ay nasa pitong reklamo pa ng illegal possession of firearms, ammunition and explosives ang kinahaharap ni Teves kasama ang kanyang anak.
Ang mga isinagawang raid at mga isinampang reklamo laban kay Teves ay dahil sa pagturo sa kanya bilang utak sa mga patayang nagapan noong 2019.
Una rito, inilabas ng Department of Justice ang resolusyon nagbabasura sa reklamo laban kay Teves at ito ay pirmado ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at Prosecution Attorney Victor Dalanao Jr.