-- Advertisements --

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) ang pagnanais nitong marinig ang katotohanan sa likod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na may banta sa kaniyang buhay.

Ginawa ni Department of Justice Undersecretary Jesse Andres ang pahayag dahil sa mistula aniyang pagiging ‘uncooperative’ ni VP Sara sa pagnanais ng maimbestigahan ito ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Andres, dalawang beses na siyang ipinatawag ng NBI ngunit magkasunod din itong tinanggihan ng pangalawang pangulo.

Iginiit din ng opisyal na tungkulin ng NBI na matunton at imbestigahan ang banta sa buhay ng pangalawang pangulo at protektahan siya mula sa sinumang nagtatangka sa kaniyang buhay.

‘Would simply provide us with the earlier police blotter because we are also taking our own effort to get from the intelligence community any alleged threat against her life, -if there is a particular person, individual or situation that may have caused a threat on her life it would be much easier for the NBI to proceed with the followup investigation if she would give details. But I do not know why she is – very uncooperative on these aspect. It’s a duty of the NBI that from the very beginning -we will investigate and also protect the seating Vice President that is our mandate,’ pahayag ni Andres.

Kahapon ay hindi muli sumipot ang pangalawang pangulo sa imbestigasyon ng NBI ukol sa kaniyang dalawang kontrobersiyal na pahayag.

Una na ring sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na magiging bukas pa rin ito kung sakaling nanaisin ni VP Sara na sumipot sa NBI habang hindi pa natatapos ng mga ito ang kanilang report.