-- Advertisements --

Sa kabila ng impormasyong isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros na nakalabas na ng bansa si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping , muling iginiit ng Department of Justice ang paniniwala nitong nasa loob pa ng pilipinas ang dating alkalde.

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Undersecretary Nicolas Felix Ty, hindi nagpapakita ng indikasyon mula sa BI na nakatakas na ang dating opisyal patungo sa ibang bansa.

Punto ng opisyal, nakapaghain pa si Guo ng kanyang counter affidavit habang nanumpa ito sa naging notaryo ng kanyang statement .

Tiniyak naman ng ahensya na patuloy nilang iniimbestigahan sa NBI ang dokumentong ginamit na basehan ni Senador Risa Hontiveros na kung saan nagsasabing nakalanbas na si Guo ng bansa patungo sa Malaysia.

Si Guo ay sinasabing espiya ng China sa Pilipinas,

Nadawit rin ito sa isyu ng ilegal na operasyon ng POGO hub sa kanyang bayan na sangkot sa mga kaso ng human trafficking, torture , scamming activities at iba pa.