Iimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang notary public na nag-notaryo sa counter-affidavit ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kahit hindi ito personal na nanumpa sa harap nito.
Ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano, aaksyunan ito ng DOJ, lalo na at tungkol ito sa kanyang notarial authority, at may posibilidad na ito ay na misuse at na-abuse.
Sa pagdinig ng Senado noong Martes, matatandaan na kwinestyon at ilang senador si Atty. Elmer Galicia dahil sa kanyang mga pagkakamali at pagkukulang sa pagsunod sa procedure noong notaryohan niya ang counter-affidavit ni Guo sa kanyang opisina sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Na-notaryo ang dokumento noong Agosto 14, pero iniulat na na nasa labas na ng bansa sa nasabing araw si Guo.
Napansin ng mga senador na ninotaryo ni Galicia ang dokumento kahit na hindi personal na nanumpa si Guo sa harap niya.