Inihayag ng Department of Justice na inaantay pa ng gobyerno ng Pilipinas ang desisyon ng gobyerno ng Timor Leste sa kapalaran ni dating Negros Oriental 3rd district Rep. Arnie Teves Jr.
Sa gitna ng mga nakabinbing deportasyon ni Teves at umano;y denial ng kaniyang asylum request, sinabi ni Justice Sec. Mico Clavano na nararapat na igalang ang mga korte ng Timor Leste.
Sinabi din ni ASec. Clavano na ang Timor Leste at isang sovereign country na mayroong sariling sistema.
Sinusunod din aniya ng gobyerno lahat ng tamang proseso amaasa sa magandang kalalabasan.
Samantala, ipingwalang bahala naman ng abogado ni Topacio na si Atty. Ferdinand Topacio ang hinggil sa umano’y deportasyon ng kaniyang kliyente pabalik ng bansa.
Ito ay dahil wala pa silang anumang iompormasyon sa status ng asylum request ni Teves at kung ito ay denied.
Matatandan na si Teves ang pangunahing akusado sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at 9 n aiba pa.