Kinumpirma ng Department of Justice na naaresto ng mga otoridad sa San Francisco, California, USA si retired PCol. Royina Garma kasama ang anak nito sa si Angelica Garma.
Kaugnay nito ay inatasan kaagad ng Justice Department ang Bureau of Immigration na pangunahan ang proseso ng pagpapabalik sa bansa ni Garma.
Napaulat na lumabas ito ng bansa sa kabila ng kanyang pangako na dadalo sa susunod na pagdinig ng House Quad Committee hinggil sa madugong war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Ayon kay Justice Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, umaasa ang Department of Justice na sa kabila ng pagtanggal ng Kamara sa kanyang comtempt order ay makikipatulungan pa rin ito sa imbestigasyon ng komite.
Sa isang pahayag, binigyang din ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nananatiling committed ang kanilang ahensya upang mapanatili ang integredad ng justice system ng bansa.
Para naman sa kabuuang detalye , sinabi ng ahensya na ang PNP at DILG ang mayroong kompletong record ng naturang insidente.