Inatasan na ng Department of Justice ang kanilang mga prosecutors na ihanda ang mga kinakailangang ebidensya laban sa KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy at iba pang mga akusado.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dapat na harapin muna ng pastor ang kanyang mga kaso sa Pilipinas bago maghain ng extradition request ang Estados Unidos.
Aniya, mas mainam na dumaan muna sa tamang proseso ang lahat.
Paliwanag ng kalihim, may kasunduan ang bansa at US sa ilalim ng extradition request at ito aniya ay bahagi ng umiiral na batas dito sa Pilipinas.
Sa ngayon, kailangan muna aniyang managot ang pastor at mga kapwa akusado nito sa mga kasong inihain laban sa kanila.
Kung maaalala, matagumpay na naaresto ng mga otoridad si Quiboloy at apat na iba pa sa loob ng KOJC compound matapos ang mahigit dalawang linggo na pakikipag taguan nito .
Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa child and sexual abuse at qualified human trafficking sa Pilipinas bukod pa sa mga kaso sa Estados Unidos.