-- Advertisements --

Inatasan na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na maglabas ng subpeona laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay may kinalaman pa rin sa naging assassination remarks nito laban kay PBBM , First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, AT Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw sa Malacanang, sinabi ni DOJ Undersecretary Jesse Andres na ang NBI ang siyang may kapangyarihan para ipatupad at isagawa ito.

Inaasahang mailalabas ng NBI ang naturang kautusan bukas , Nobyembre 25.

Handa naman aniya itong harapin ng bise.