-- Advertisements --

Iniimbestigahan ngayon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang napaulat na data breach sa Office of the Solicitor General.

Sinabi ni Guevarra na aabot sa mahigit 345,000 na mga files ang na-exposed.

Unang nalaman ito ng London-based security firm na TurgenSec noon pang Marso.

Maaaring maapektuhan dito ang ongoing na mga judicial proceeding.

Dalawang beses na aniyang nag-email ang TurgenSec sa OSG at gobyerno subalit wala silang nakuhang anumang sagot.

Iniimbestigahan na ito ng OSG at handang magbigay ng tulong ng DOJ sa nasabing data breach.