-- Advertisements --
Gumugulong na ang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa war-on-drugs na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Remulla, na ang binuong special task force ang siyang nag-iimbestiga na sa dating pangulo.
Paglilinaw nito na iba rin ang ginagawang imbestigasyon nila at sa International Criminal Court (ICC).
Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang kalihim ukol sa imbesitasyon.
Magugunitang ibinunyag ng dating Pangulo may mahigpit siyang utos sa mga kapulisan na paigtingin ang laban sa iligal na droga.