Pawang mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang nakatakdang tatayo bilang testigo sa extradition hearing laban kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr sa Timor-Leste.
Sinabi ni Department of Justice Undersecretary Raul Vasquez, na Ilan sa mga ito ay sina dating Supreme Court associate justice Francis Jardeleza, Bureau of Corrections Director General Pio Gregorio Catapang, Jr., National Amnesty Commission Chairperson Leah Tanodra-Armamento at Presidential Human Rights Committee Undersecretary Nonoy Catura.
Dagdag pa nito na ang mga nabanggit na opisyal ay testestigo sa alegasyon ng mahinang human rights protection sa bansa, hindi patas na hustisya, banta sa kaligtasan at ang torture.
Naniniwala si Vasquez na magiging patas ang pagdinig mula sa impartial judges.
Hinikayat na lamang nito si Teves na harapin na lamang ang kaso laban sa kaniya at tigilan na ang paggamit sa media para patunayan na ito ay inosente sa kaso.
Inilabas ng DOJ ang listahan ng mga witness matapos na unang isinapubliko ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na bukod sa kaniya ay magigint testigo para kay Teves sina former Commission on Human Rights commissioner Wilhelm Soriano at dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo would testify for Teves.
Nitong Lunes kasi ay nagkaroon ng palitan ng salita ang DOJ at si Topacio dahil umano sa pagkakalaya na ng dating mambabatas at ito ay muling inaresto.
Magugunitang si Teves ay inakusahang mastermind sa pagpatay kay Governor Roel Degamo ng Negros Oriental noong Marso 2023.