Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa mahigit 10 indibidwal mula sa tinatawag na kulto sa Socorro, Surigao del Norte ang inirekomenda para sa pag-uusig sa kasong sex trafficking.
Ayon pa sa kalihim, mayroon ng resolution sa kaso dahil isinampa ang reklamo noon pang Hunyo.
Ang nasabing mga indibidwal ay kasama sa ibinunyag ni Senate Deputy Minority Leader Senator Risa Honiveros sa kaniyang privilege speech.
Base kasi sa naging privileged speech ng Senadora, binibiktima umano ng nasabing kulto ang mga menor de edad sa probinsiya kung saan hinahalay, sinasaktan at pilit na ipinapakasal aniya ang mga ito. Isiniwalat din ng Senadora na nasa mahigit 1000 minors ang nasa kamay ng nasabing kulto.
Samantala, ayon sa Justice chief, ti-nap na nito ang National Bureau of Investigation para imbestigahan ang panibagong alegasyon laban sa nasabing kulto