Pinakakasuhan na ng national prosecution service ng Department of Justice (DoJ) sa korte si Bryan Sy na isa sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Centre kaugnay sa isyu ng “ghost” dialysis patients.
Una rito, naghain ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamo Kay Sy at siyam ns iba pang opisyal ng WellMed.
Sa siyam na pahinang resolusyon na isinulat ni Senior Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera, nakasaad na may probable cause ang reklamo ng NBI na estafa sa pamamagitan ng pamemeke ng public documents laban kay Sy at dalawang iba pa.
Nakatakdang isampa sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang 17 counts ng reklamo laban sa mga opisyal ng Wellmed.
Inirekomenda namang isailalim sa preliminary Investigation ang reklamo laban sa pitong iba pang at large na mga opisyal at kawani ng dialysis center.