Tuluyan nang iniatras ng Department of Justice ang mga kasong 98 counts ng reckless imprudence resulting in homicide laban kay dating Department of Health (DOH) Secretary at ngayon ay Rep. Janette Garin.
Ang kaso laban sa dating kalihim ng ahensya ay may kinalaman sa kontrobersiya na bumalot sa umano’y pagkamatay ng ilang mga personalidad dahil sa Dengvaxia vaccine.
Batay sa resolusyon na inilabas na ahensya at pirmado ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla , ipinag-utos nito sa prosecutor general na kaagad na bawiin ang mga impormasyong unang naisumite sa Quezon City Regional Trial Court laban kay Garin at kapwa nito akusado na sina Dr. Gerardo Bayugo at Dr. Ma. Joyce Ducusin.
Ayon kay Remulla, hindi naging sapat ang pruweba para patunayan ang liability ni Garin at iba pang akusado sa naturang kaso.
Nagpasalamat naman si Rep. Garin sa naging desisyon na ito ng Justice Department.