-- Advertisements --

Ipinauubaya na ng Department of Justice sa kongreso ang usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Andres, hindi na sila manghihimasok dahil hindi na nila ito hurisdiksyon.

Ginawa ng opisyal ang naturang pahayag matapos ang naging pahayag ng bise na kung saan ay diretsahang sinabi nito na ipapapatay nya si PBBM, First Lady Liza Marcos, House Speaker Martin Romualdez.

Mandato rin niya ng kanilang ahensya na huwag makialam sa anumang usapin ng impeachment proceedings.

Paliwanag pa nito na trabaho na ito ng mga mambabatas.

Sa ngayon, sinabi ng ahensya na pagtutuunan lamang nila ng pansin ang imbestigasyon sa mga kriminal na aspeto na maaaring maihain laban kay VP Sara.