Ipinauubaya naman na ng Department of Justice (DOJ) sa Muntinlupa City regional trial court kung paano reresolbahin ang illegal drugs charges laban kay dating Senator Leila de Lima.
Sa isang statement, sinabi ng DOJ na inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang naturang isyu ay nasa hurisdiksyon na ng Muntinlupa city trial court na siyang may kapangayarihan at awtoridad na aksyunan ang nakabinbing kaso ng dating senadora.
Inisyu ng ahensiya ang naturang statement kasunod ng inihaing resolution nina Minority Senators Aquilino “Koko” Pimentel III at Risa Hontiveros na naghihimok sa DOJ na ibasura na ang drug charges laban kay De lima.
Samakatuwid, ayon sa DOJ sasangguni na lamang sila sa tamang pagpapasya ng hukuman sa umano’y iprinisentang mga ebidensiya.