-- Advertisements --
Menardo Guevarra
Doj Sec Guevarra

Itinanggi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na may release order si convicted rapist-killer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Kasunod ito sa pahayag ng kaanak ni Sanchez na mayroong inilabas na release order ang Bureau of Corrections (BuCor).

Dagdag pa ng kalihim, mismong si BuCor chief Nicanor Faeldon ang nagkumpirma na wala itong pinipirmahan na release order.

Nauna rito iginiit ng kaanak ni Sanchez na noon pa sanang Agosto 20 ay makakalaya na ang dating alkalde dahil mayroon na itong release order subalit ito pinigil nang maraming sektor ang umalma.