-- Advertisements --
Binigyang linaw ngayon ng Department of Justice (DOJ) na walang anumang sakit si Justice Secretary Jesus Remulla.
Sinabi ni DOJ Undersecretary Jesse Andres na walang katotohanan ang mga kumalat na balita na nasa intensive care unit ang kalihim.
Dagdag pa nito na nasa mabuting kalagayan ito at walang anumang sakit.
Inilalaan lamang niya ang kaniyang oras sa mga mahahalagang bagay para hindi masayang.
Magugunitang noong nakaraang taon ay sumailalim siya sa wellness leave matapos ang kaniyang heart bypass surgery.