Naniniwala ang Department of Justice na mayroong elemento ng human trafficking ang nadiskubreng kulto sa Surigao del Norte kamakailan.
Napag-alaman kase ng mga kinauukulan na ito ay nag rerecruit umano ng mga bata at saka naman ito hinahalay.
Sa isang pahayag,sinabi ni DOJ-IACAT Usec. Nicholas Felix , na isa sa mga palatandaan na mayroong human trafficking ay ang pagkulong sa mga bata na kung saan hindi sila pinapayagang makausap ang kanilang mga pamilya.
Lumalabas rin sa imbestigasyon na pinipilit ang mga bata na ipakasal at makipagtalik.
Samantala, nanawagan rin ang opisyal sa publiko na kaagad na ireport sa mga kinauukulan kung mayroon silang kakilala na sangkot sa Human trafficking.
Lalo nat madalas na kamag-anak at mismong magulang pa ng mga bata ang pasimuno ng online trafficking.