-- Advertisements --
Hinikayat ng Department of Justice ang mga iba’t-ibang social media platforms, internet service providers at money service business na maging aktibo at samahan ang gobyerno sa paglaban sa mga online sexual predators.
Ayon kay DOJ Spokesperson Jose Dominic Clavano, na ginagamit na ng mga online predators ang money service business para sa kanilang online sexual abuse at exploitation activities.
Talamak din ang bentahan sa online ng mga pornographic videos na sa mababang halaga ay makakabili ang kahit sinuman.
Nakipag-ugnayan na ang gobyerno sa mga money transfer businesses para matigil na ang nasabing mga maling gawain.