-- Advertisements --

Kinomenda at binigyang papuri ng Department of Justice (DOJ) ang Task Force on Anti-Money Laundering para sa pagakakaalis ng Pilipinas mula sa ‘grey list’ ng isang international body na kontra sa money laundering.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kina Task Force on Anti-Money Laundering head Deputy State Prosecutor Deana Perez at Task Force on Terrorism Financing head Senior Assistant State Prosecutor Rex Guingoyon para sa kanila umanong vital role sa mga imbestigasyon at prosekusyon ng mga money launderers at terrorism financers sa loob ng bansa.

Bunga nito ay inanunsyo ng Paris-based Financial Action Task Force (FATF) na hindi na nakikitaan ng mataas na bilang ng kaso ng money laundering ang bansa o nakakaranas ng financing terrosrism.

Matatandaan kasi na napabilang ang Pilipinas sa ‘grey list’ noong taong 2021 at sumailalim sa strict monitoring dahil sa mga insidente ng money laundering sa panahon na iyon.

Samantala, kinomenda rin ng FATF ang Pilipinas para sa naging positibong progreso nito sa pagresolba sa mga isyung may kaugnayan sa money laundering at financing terrorism.

Patuloy lamang sana aniya ang Pilipinas na ipagpatuloy ang kanilang laban kontra sa mga financial issues na ito upang maiwasan ang financing deficiancies ng bansa.