Kinumpirma ng Department of Justice ngayong Biyernes na pumayag ang US authorities na ibasura ang iba pang kaso laban sa isang kapwa akusado ni KOJC founder Apollo Quiboloy na si Marissa Duenas.
Ito ay matapos na makipag-areglo sa isang plea bargaining agreement si Duenas sa United States Attorney’s Office (USAO) for the Central District of California para sa mas mababang parusa.
Ayon kay Justice ASec. Mico Clavano, naberipika nila ang naturang impormasyon mula sa US Embassy kung saan nag-plead ng guilty si Duenas para sa kasong conspiracy to defraud ang gobyerno ng Amerika sa pamamagitan ng pagtulong sa KOJC na makapag-arrange ng 25 at 100 sham o fraud marriages para makaiwas sa US Immigration laws.
Samantala, ang lahat naman ng mga kaso sa iba pang defendants sa kanilang asuntong kinakaharap sa Amerika ay nananatiling nakabinbin at ang trial ay nakatakdang simulan sa Mayo 20, 2025.