-- Advertisements --

Magbabalangkas ang Department of Justice (DoJ) ng bagong panel of prosecutors para magdaos ng reinvestigation sa 13 umano’y “ninja cops.”

Ang nasabing mga pulis ay idinadawit sa pag-recycle ng P650 million na halaga ng shabu.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, pangunahing isasalang sa pagsisiyasat si Police Maj. Rodney Baloyo na ngayon ay nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa contempt ng Senado.

Ang grupo ni Baloyo ay sinasabing nagdeklara lamang ng 36 kg ng shabu na nakumpiska, ngunit ang totoo ay 200 kg ang nasakote ng mga ito.

Pagkatapos ng ilang araw, nakabili raw ng tig-iisang sasakyan ang tropa ng raiding team, bagay na nagbunsod sa noon’y PNP Chief Allan Purisima na paimbestigahan ang isyu kay dating CIDG head C/Supt. Benjamin Magalong.

Target ng DoJ na makompleto ang muling pagsisiyasat sa loob ng isang buwan.