Sa kabila ng mga ginagawang effort ng gobyerno para mahanap ang nagtatagong si KOJC leader na si pastor Apollo Quiboloy, nilinaw ng Department of Justice na hindi sila gumagamit ng excessive force laban sa puganteng pastor.
Ayon kay Justice Assistant Secretary at Spokesman Mico Clavano, hindi gumagamit ng malaking pwersa ang mga otoridad para mahuli ito.
Ginawa ni Clavano ang naturang pahayag matapos almahan ng mga KOJC member at supporters ng religious leader ang marahas umanong pagpasok ng PNP sa kanilang compound.
Punto pa ng opisyal na normal ang pagpapadala ng mga tauhan ng PNP at NBI sa KOJC.
Ito ay bahagi lamang aniya ng pagpapatupad ng kaayusan sa naturang lugar.
Nilalalayon lamang ng gobyerno na mahuli ang pastor at maiharap sa korte para sa mga kasong kanyang kinakaharap.