Inaantabayanan na raw ng Department of Justice (DoJ) ang pagpapalabas ng subphoena at itatakdang schedule ng mga pagdinig para sa preliminary investigation laban sa KAPA investment scam.
Una rito, kinumpirma ng DoJ na may mga itinalaga ng piskal na tututok sa kasong kinakaharap ng mga opsiyal ng KAPA.
Sinabi ni DoJ Spokesman at Usec. Markk Perete, nakabuo na ng panel of prosecutors ang ahensiya matapos maisampa na ang kaso ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa mga opisyal na isinasangkot sa investment scam.
Ang panel of prosecutor ang magsasagawa ng preliminary investigation laban sa reklamong isinampa sa mga KAPA officials.
Nauna ng nagpalabas ng look-out bulletin order (LBO) sa Bureau of Immigration (BI) si Justice Sec. Menardo Guevarra para bantayan ang walong incorporators at walong opisyal ng KAPA kasama na ang tatlong opisyal ng Alabel-Maasim Credit Cooperative (ALAMCCO).