Muling inigiit ng Department of Justice (DoJ) na siyang bumalangkas ng implementing rules and regulation (IRR) ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA) na ang naturang batas ay para lamang talaga sa mga terorista.
Ayon kay DoJ Usec. Adrian Sugay, dahil sa desisyon na Korte Suprema na pagtibayin na ang batas sa kabila ng 37 petisyon na kumukuwestiyon sa ligalidad ng batas ay talagang tuloy-tuloy na raw ang pagpapatupad nito.
Sa ngayon, hindi pa raw nakikita ng DoJ ang desisyon ng Supreme Court (SC) sa naturang batas matapos ideklara ang dalawang bahagi nitong labag sa batas.
Kailangan pa raw nila itong basahin bago gumawa ng kanilang susunod na hakbang.
Kung maalala, pumalag ang mga petitioners ng kontorbersiyal na batas dahil may mga probisyon daw ditong lumalabag sa karapatang pantao lalo na ang Section 29 ng naturang batas o ang warrantless arrest.